PBBM, seryosong ikinokonsidera ang paggamit ng nuclear energy

Pipilitin ng Marcos administration ang paggamit ng nuclear energy bilang isa sa pagkukuhanan ng suplay ng kuryente.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ito ay solusyon sa lumalaking pangangailangan ng bansa sa suplay ng enerhiya.

Kapag hindi kasi aniya natugunan ang pangangailangan ng suplay ng enerhiya, posibleng mauwi ito sa power crisis.


Pagbibigay diin ng pangulo, dapat apurahin ang pagdaragdag ng energy supply para maiwasan ang mga brownout.

Sinabi ng pangulo na bago pa man siya nanalo sa pagkapresidente, tinitingnan na nila ang posibilidad na gumamit ng nuclear energy.

Marami naman aniyang nuclear technologies na available ngayon na pwedeng i-adapt ng gobyerno.

Sinabi pa ng presidente, kahit anong pamamaraan aniya na pwede ay welcome sa kaniya para lamang makakuha ng dagdag na power suplay na kailangan ng bansa.

Facebook Comments