PBBM, sinagot ang mga social media post na “Nasaan ang Pangulo” sa gitna ng Bagyong Enteng

Tinawag na ‘kalokohan’ at ‘fake news’ ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga kumakalat na pahayag na siya ay may sakit at nasa ospital.

Ito’y kasunod ng pag-trending sa social media ng “Nasaan ang Pangulo” habang humahagupit ang Bagyong Enteng.

Ayon sa pangulo, wala siyang karamdaman kahit sipon o anumang problema sa kalusugan.


Inamin din ni Pangulong Marcos na maraming tumawag sa kanya para alamin ang kaniyang health status.

Ang mga ganitong klaseng pahayag aniya ang dapat bantayan ng media.

Matatandaang ipinagkalat din umano ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque noong nakaraang buwan na may sakit ang pangulo kaya nais nitong umupo si Vice President Sara Duterte bilang acting president.

Facebook Comments