Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos (PBMM) na hindi magagamit ang Pilipinas bilang staging post sa anumang uri ng military actions.
Ito ang pahayag ng presidente sa pangamba ng ilan na magamit ang Pilipinas dahil sa isinasagawang Balikatan exercises sa pagitan ng mga Amerikano at mga Pilipinong sundalo sa bansa.
Ayon sa pangulo, simple lamang ang hangad ng Pilipinas at ito ay ang makamit ang kapayapaan sa bansa.
Sinabi ng pangulo, hindi gagawa ng mararahas na hakbang ang gobyerno para kaladkarin sa gulo ang Pilipinas.
Para makamit aniya ito, nararapat na manatiling maging kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nation.
Matatandaang dinaluhan pa ni Pangulong Marcos ang pagtatapos ng Balikatan live fire exercises sa Zambales kung saan sa nasabing aktibidad pinalubog ang lumang barko ng Philippine Navy at ipinamalas ang arsenal ng Pilipinas.