PBBM, sinita ang ilang LGU sa Maguindanao dahil sa mga kalbong bundok sa lalawigan

Ang pagkakalbo ng mga puno sa mga bundok ang isa sa mga napansin at sinita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ginawa nitong aerial inspection sa lalawigan ng Maguindanao.

Sa situation briefing sa Maguindanao, sinabi ni Pangulong Marcos Jr., na ito ang isa sa problemang nakita niya kung bakit nagkaroon ng hindi inaasahang mga insidente ng pagguho ng lupa sa lalawigan.

Panahon na aniyang bigyang pansin ang pagtatanim ng mga puno lalo’t nararanasan na rin ang masamang epekto ng climate change.


Binigyang diin ng pangulo na kung magpapatupad ng mga flood control program, dapat ay kakambal nito ang tree planting program at handa aniya ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na tumulong dito.

Partikular na sinita ng pangulo sa mga lokal na pamahalaan sa BARMM, dahil sa kabila aniya na alam na ng mga ito ang epekto ng walang habas na pagpuputol ng mga puno, tuloy- tuloy pa rin ito kaya ang resulta aniya, trahedya na dulot ng landslides.

Facebook Comments