
Patuloy na dinadagsa ng ilang pamilya at kabataan ang Tara sa Palasyo, sa Kalayaan Grounds sa Malacañang.
Patok sa mga namamasyal ang libreng carnival rides, arcade games, at mga food stalls.
Nagmistulang picnic park din ang Malacanang dahil sa libreng movie nights gabi-gabi.
Sinorpresa pa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga namamasyal sa Kalayaan Grounds ng Malacanang noong ika-aapat ng gabi ng programa.
Ika-apat na taon na ngayon ng isinasagawa ang “Tara sa Palasyo,” isang linggong aktibidad na may mga rides para sa bata, live music, libreng pelikula, at mga pagkaing pamasko.
Bukas ang Malacañang sa publiko hanggang Disyembre 23 ng gabi.
Facebook Comments









