PBBM, sisiguruhing mapaparusahan ang mga susuway sa total POGO ban simula December 15

Pinatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para humingi ng update sa utos niyang pagpapasara ng lahat ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Sa pulong sa Malacanang, ipinangako ni PAGCOR Chairman Al Tengco sa pangulo na wala nang POGO sa bansa pagsapit ng December 15.

Ayon kay Pangulong Marcos, hindi na kailanman papayagang manalasa ang mga ito sa bansa.


Sa datos ng PAGCOR, nasa pito na lang ang natitirang POGO sa kasalukuyan at nasa proseso na rin ng pagkansela ng kanilang lisensya.

Habang tuloy-tuloy naman ang ginagawang pang downgrade ng Bureau of Immigration (BI) sa kanilang working visa patungong tourist visa.

Babala naman ng pangulo, sino mang magtangka na magsagawa ng ilegal na operasyon ay haharap sa buong puwersa ng batas.

Pagsapit ng Enero, magsisimula na raw ang mga awtoridad na hulihin ang mga hindi tatalima sa kautusang ito.

Facebook Comments