
Sisiguraduhin ng Malacañang na walang mangyayaring cover-up o pagtatakip sa imbestigasyon sa mga kaso ng nawawalang sabungero, matapos madiskubre ng mga awtoridad ang mga sako ng mga buto sa Taal Lake.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na malaman ang katotohanan sa kaso, kaya hinihintay nito ang magiging resulta ng imbestigasyon ng mga awtoridad sa nakuhang mga buto.
Oras na mapatunayang may koneksyon nga sa kaso ng mga sabungero ang mga natagpuang sunog na buto ng katawan sa sako ay gagawin ng administrasyon ang lahat para makamit ng mga biktima ang hustisya.
Sakaling mapatunayan ang koneksyon nito, tutulong aniya ang administrasyon upang makamtan ang hustisya.
Hindi aniya bibitawan ng pamahalaan ang kasong ito, at titiyakin ng pangulo na hindi hihinto ang imbestigasyon, lalo na ang pagkakaroon ng cover up dito.









