Mas ginanahan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na maglingkod sa mga Pilipino.
Ito ay ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil matapos na makatanggap na very good satisfaction rating ang pangulo mula sa mga Pilipino, sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS).
Batay sa survey ng SWS na 75% ng adult Filipino ay satisfied sa performance ng pangulo, habang nasa 7% lamang ang nagsabi na hindi sila kuntento at 18% naman ang undecided.
Sinabi naman ni Pangulong Marcos, hindi siya tumitingin sa mga ganitong survey, pero nakatutuwa aniyang malaman na nakikita at nauunawaan ng mga Pilipino ang ginagawa ng gobyerno.
Dahil dito tiniyak ng pangulo na magpapatuloy lamang ang pamahalaan sa paglilingkod, at patuloy rin aniya nilang ipababatid sa publiko, ang kanilang ginagawa.