Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pagsisikapan ng kanyang administrasyon na magkaroon nang mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino dito sa Pilipinas.
Ginawa ng pangulo ang pagtiyak sa pagdalo nito sa Overseas Filipino Workers Family Day sa SMX sa lungsod ng Pasay.
Ayon sa presidente, nais niyang darating ang panahon na hindi mapipilitang umalis ng bansa ang isang Pilipino para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya.
Pero hinimok ng pangulo ang mga Pilipino na tulungan ang pamahalaan sa pagpanday ng isang matatag at puno ng oportunidad na Pilipinas.
Kaugnay nito, nagpasalamat ang pangulo sa mga OFW sa ipinakikitang sipag at katatagan sa pagtatrabaho na maipagmamalaki sa buong mundo.
Siniguro ng presidente na committed ang pamahalaan sa pagbibigay ng tulong sa mga OFW.
Sa katunayan ay 25 oras aniyang bukas ang hotline number 1348 para sa rescue, repatriation at counselling sa mga OFW nangangailangan nito.
Siniguro din ng presidente na may ayuda at programa para sa mga OFW nais nang bumalik at manatili sa bansa.
Isa rito ang livelihood benefits assistande program.
Nabanggit rin ng pangulo ang pagkakaroon ng OFW san fernando hospital sa Pampanga na malaking tulong sa mga OFW kanilang pamilya.