Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mas bababa pa ang presyo ng bigas ngayong Christmas season sa pamamagitan ng pagpapatupad ng kadiwa ng Pasko project sa buong bansa.
Bukod dito, sinabi pa ng pangulo na pagsisikapan pa ng kaniyang administrasyon na pababain ang presyo ng bigas ng hanggang P20 kada kilo katulad sa kaniyang mga nauna nang inihayag sa mga Pilipino.
Ginawa ng pangulo ang pahayag matapos itong bumisita kahapon sa headquarters ng International Rice Research Institute (IRRI) headquarters sa Los Banos, Laguna.
Sinabi ng pangulo na habang wala pa ang P20 kada kilo na bigas, maari aniyang mamili muna sa mga kadiwa store na mas mura ang presyo kumpara sa mga supermarket.
Ang kadiwa ng Pasko project ay inilunsad ng gobyerno para makatulong sa mga Pilipino na lubhang apektado ng pandemya ang kabuhayan lalo na tulong para sa mga magsasaka at mga mangingisda.