
Sumailalim sa medical observation kagabi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos sumama ang pakiramdam.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ginawa ito bilang precautionary measure na pag-iingat lamang.
Maayos naman aniya ang kondisyon ng pangulo at pinayuhan ng mga doktor na magpahinga.
Tiniyak ng Palasyo na walang dapat ikabahala ang publiko dahil tuloy ang pagganap ng pangulo sa kanyang tungkulin.
Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang Malacañang kung ano ang partikular na naramdaman ng pangulo o kung kinailangang maospital ito.
Facebook Comments










