PBBM, sumama ang pakiramdam matapos ang sunod-sunod na engagement noong kaniyang kaarawan

Matapos ang kaliwa’t kanang selebrasyon ng kaniyang kaarawan noong nakaraang linggo, sumama ang pakiramdam ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang kinumpirma ni Health Sec. Ted Herbosa sa Malacañang briefing nang matanong kung bakit naka-face mask ang pangulo sa sectoral meeting ngayong araw.

Ayon kay Herbosa, “under the weather” ang pangulo, marahil ay dahil aniya sa dami nang bumati sa kaniya.


Posible daw kasing may nakapagpasa o nakahawa sa kanya ng sakit.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay binigyan ng birthday celebrations ang pangulo sa mga pinuntahan niyang event, kabilang na sa Nueva Ecija.

Dumalo rin ito sa isang pribadong concert na inorganisa ng kanyang mga kaibigan noong Biyernes nang gabi, kung saan nag-perform ang English pop rock band na Duran Duran.

Facebook Comments