PBBM, tali ang kamay sa Cha-Cha – Sen. Imee Marcos

Naniniwala si Senator Imee Marcos na tali ang kamay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., pagdating sa isinusulong na pagbabago sa saligang batas sa pamamagitan ng People’s Initiative.

Sa isang panayam, sinabi ni Senator Marcos na parang nabihag umano si Pangulong Bongbong ng mga kung-anu-anong “demonyo.”

Bago niyan, sinabi ni Senator Imee na maraming “demonyo” sa Malacañang ang nakapalibot sa kaniyang kapatid.


Umaasa aniya ang senadora na hindi ito pakikinggan ng pangulo.

Una nang sinabi ng Pangulong Marcos Jr., na “divisive” o nagdudulot ng pagkakawatak-watak ang isinusulong na People’s Initiative.

Dahil dito, inatasan ng pangulo ang senado na pangunahan ang pag-review para baguhin ang economic provisions ng konstitusyon.

Noong Biyernes, tahasang tinukot ni Senator Imee na mismong ang pinsan niyang si House Speaker Martin Romualdez ang nasa likod ng pagbibigay ng milyun-milyong pisong alokasyon sa mga distrito kapalit ng mga malilikom na pirma.

Itinanggi naman ito ni Romualdez at hinamon pa ang pinsan na patunayan ang mga alegasyon.

Facebook Comments