PBBM, tali ang kamay sa pag-archive ng Senado sa impeachment ni VP Sara

Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tali ang kamay niya sa desisyon ng Senado na i-archive ang impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

Ayon sa Pangulo, wala siyang kinalaman sa naging pagboto ng Senado at sa usaping tinukoy ng Korte Suprema, kasabay ng pagpapaalala na bilang isang impeachable officer ay hindi siya maaaring makialam sa proseso.

Giit niya, ang mga hakbang at pasya ay nakasalalay lamang sa tatlong sangay, ito ang Korte Suprema, Senado, at Kamara.

Dagdag ng Pangulo, matapos maglabas ng desisyon ang Senado at Korte Suprema, hayaan na lamang aniya ang proseso na umusad.

Bagama’t aminadong hindi malinaw ang magiging direksyon kung magbago man ang pasya ng Korte Suprema, iginiit ng Pangulo na mas nakatutok siya sa mga prayoridad ng administrasyon.

Facebook Comments