PBBM, target ang 12-0 win para sa mga kandidato ng administrasyon sa Senado

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makukuha ng mga kandidato ng administrasyon ang 12-0 seats sa Senado sa 2025 election sa Mayo.

Sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) Leaders’ Convergence Summit, sinabi ng pangulo na ito na talaga ang target nilang resulta noong una pa lamang.

Kumpiyansa rin ang pangulo sa mga napiling kandidato na aniya’y pinakamahusay, pinakamagagaling, at pinakamatibay hindi lamang sa eleksyon kung hindi sa serbisyo publiko.


Ganoon aniya kataas ang kalidad ng mga miyembro at kandidato ng PFP pagdating sa pamumuno kaya walang dapat na matalo dito.

Sinabi rin ng pangulo sa ambush interview sa PICC na lamang ang kanilang mga kandidato pagdating sa mga adbokasiya at organisasyong kinabibilangan.

Nakikita rin aniya ng mga ito ang tunay na problema at kung ano ang pangangailangan ng mga Pilipino.

Facebook Comments