
Nakatakdang bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tinaguriang Silicon Valley ng India na Bangalore, sa kaniyang limang araw na state visit.
Ito’y upang makapulong ang malalaking negosyanteng interesadong magnegosyo sa Pilipinas.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), dalawang grupo ng mga negosyante ang makikipagpulong sa Pangulo: una sa New Delhi at ikalawa sa Bangalore.
Pamumunuan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang business aspect ng pagbisita, lalo na sa Bangalore.
Ang state visit na ito ay inaasahang magbubukas ng mas maraming oportunidad sa sektor ng information and communications technology (ICT) at iba pang industriya sa pagitan ng Pilipinas at India.
Nakatakdang umalis ng Pilipinas ni Pangulong Marcos ngayong araw, at inaasahang babalik naman ito ng bansa sa August 8.









