PBBM, tinanggap ang mga bagong ambassador ng Chile at China

Tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga bagong ambassador ng Chile at China sa Malacañang.

Personal na iniabot kina PBBM ng mga bagong envoy—Felipe Alejandro Diaz Ibañez ng Chile at Jing Quan ng China—ang kanilang letters of credence.

Binati sila ng Pangulo at sinabing handa ang Pilipinas na palawakin pa ang ugnayan sa dalawang bansa.

Ipinunto rin niya ang matagal nang magandang relasyon ng Pilipinas at Chile, gayundin ang mahalagang partnership ng Pilipinas at China.

Nangako naman ang dalawang embahador na patitibayin pa ang kooperasyon at mabuting relasyon sa Pilipinas.

Ang seremonya ay nagsilbing hudyat ng pormal na pagsisimula ng kanilang tungkulin sa bansa.

Facebook Comments