
Tinawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isang “political move ” ang dalawang impeachment complaint na inihain laban sa kanya at kalauna’y ibinasura ng House Justice panel dahil sa kakulangan ng sapat na batayan.
Ayon sa Pangulo, alam na niyang mauuwi sa pagkakabasura ang mga reklamo dahil wala umanong matibay na grounds ang mga ito.
Dagdag pa ng Pangulo, panggulo lamang ang mga ganitong hakbang sa mga ginagawa ng administrasyon.
Samantala, dumistansya naman Pangulo kaugnay ng mga impeachment complaint na inihain laban kay Vice President Sara Duterte.
Nasa Kamara na ang desisyon kung paano nito haharapin ang mga bagong reklamong inihain laban sa Bise Presidente.
Facebook Comments










