Inilarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na matibay na partner ang Asian Development Bank pagdating sa mga malalaking proyekto sa bansa.
Sa naging talumpati sa ADB event ng pangulo, sinabi nitong sa mga nakalipas na maraming taon ever reliable o maaasahan ng Pilipinas ang Asian Development Bank na katuwang ng bansa.
Sinabi pa ng pangulo na sa unang siyam na buwang pamamahala niya sa Pilipinas ay tatlo na ang nalagdaang mga proyekto na mayroong partisipasyon ang ADB at marami pa aniyang nakalinyang projects kung saan makakatuwang nito ang bansa.
Ang mga proyektong ito sabi ng pangulo ay pawang mga high priority projects na may kaugnayan sa Philippine Development Plan 2023 to 2028.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng pangulo na tatapusin ng gobyerno ang mga proyektong nakalinya sa ilalim ng kanyang administrasyon kabilang dito ang infrastructure projects, climate change mitigation at iba pang magbibigay ng seguridad sa buhay ng bawat Pilipino.