PBBM, tiniyak ang buong suporta sa bagong talagang PNP Chief

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang buong suporta sa bagong talagang Philippine National Police (PNP) Chief na si General Rommel Francisco Marbil.

Sa Change of Command Ceremony sa Camp Crame, sinabi ng pangulo na kumpiyansa siya pro-God, pro-country, pro-people at pro-environment ang PNP sa pamumuno ni Marbil.

Mahigpit din aniya silang magtutulungan ni Marbil para labanan ang cybercrimes, terorismo at transnational crimes.


Samantala, bilin naman ni Pangulong Marcos kay Marbil na panatilihin ang professionalism at ibigay ang pinakamahusay na serbisyo sa publiko.

Kailangan aniyang matiyak na ang PNP ay magiging ahente ng progresibong transpormasyon sa mga Pilipino sa pamamagitan ng pagtiyak sa kanilang kaligtasan, at kapakanan ng bawat komunidad sa bansa.

Facebook Comments