PBBM, tiniyak ang mga programang pangkabuhayan para sa mga maapektuhan ng El Niño

May aasahang tulong mula sa pamahalaan ang mga magsasaka at indibidwal na maaapektuhan ng El Niño phenomenon.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., irerehistro ang mga apektado ng El Niño sa iba’t ibang livelihood programs.

Partikular na binanggit ng pangulo na magpapatuloy ang AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situation ng DSWD at TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers ng DOLE para sa mga magsasaka na masisira ang pananim.


Siniguro ng pangulo na magpapatupad ang gobyerno ng kahalintulad na mga programang ginawa sa pagtugon sa inflation.

Isinusulong ng administrasyon ang whole-of-nation approach sa paghahanda sa El Niño na inaasahang tatagal hanggang second quarter ng 2024.

Facebook Comments