PBBM, tiniyak ang suporta sa Philippine Marine Corps

Sa pagdiriwang ng ika-72 anibersaryo ng Philippine Marine Corps (PMC), nagpahayag ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa pangulo, makakaasa ng buong suporta ang Philippine Marine Corps mula sa gobyerno lalo na sa mga kagamitan para sa kanilang mas pinaigting na serbisyo sa bansa.

Ito ang tiniyak ni Marcos sa kanyang pagdalo sa 72nd anniversary ng PMC sa Fort Bonifacio, Taguig City kamakailan.


Sa kanyang talumpati, binigyang diin ng pangulo na ibibigay ng gobyerno ang mga pangangailangan ng PMC sa pamamagitan ng modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang mas lalong mapaigting at mapahusay ang potensiyal ng mga ito.

Kinilala rin nito ang mga nagawa ng Philippine Marines lalo na sa ginagawang pagbabantay at pagtiyak ng kaayusan at kapayapaan sa bansa at ang paglaban sa kilusang komunista noong dekada singkwenta.

Iniligtas aniya ng PMC ang bansa mula sa mga teroristang grupo at malaki rin ang papel na ginagampanan ng mga ito sa panahon ng mga kalamidad at mga hindi inaasahang sitwasyon.

Facebook Comments