Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na prayoridad ng pamahalaan na mailigtas ang 17 mga Filipino seafarers mula sa pagkakabihag ng Yemen Houti Rebels.
Sa pahayag ng pangulo sa kanyang official social media account, sinabi nitong nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa kanilang counterparts sa Iran, Oman, Qatar at Saudi Arabia para humingi ng updates sa nagaganap na hostage taking.
Kasabay nito, patuloy ang komunikasyon ng Department of Migrant Workers (DMW) sa pamilya ng mga bihag ng mga seafarers.
Sinabi ng pangulo na hindi nagiisa ang mga seafarers na ito lalo na sa panahong ito dahil ginagawa ng gobyerno ang lahat ng paraan para mapauwi ng ligtas ang mga ito.
Matatandaang iniulat kahapon ng DFA na napasok ng mga Yemen Houti Rebels ang Israeli linked cargo ship habang lumalayag sa Red Sea at ngayon ay hostage ang mga sakay nito kabilang ang 17 Filipino seafarers.