PBBM, tiniyak na hindi na mauulit pa na may mawawalan ng buhay dahil sa kalamidad

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Science and Technology (DOST) na palakasin ang kanilang warning system, para sa napapanahong alerto kaugnay sa panganib na dala ng mga bagyo.

Ayon sa pangulo, nakatutok ang gobyerno sa pagpapalakas ng kahandaan ng bansa sa pagtugon sa anumang kalamidad na posible pang dumaan sa Pilipinas.

Titiyakan aniya ng pamahalaan na hindi na mauulit na may mawawalan ng buhay dahil sa mga kalamidad.


Bukod dito, inutos din ng pangulo na sa National Irrigation Administration (NIA), Department of Energy (DOE), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), na unti-untiin ang pagbabawas ng tubig sa mga dam, kahit wala pa ang bagyo, para hindi ito mabigla at maiwasan ang pagbaha.

Pinare-review rin ng pangulo sa NDRRCM ang kanilang disaster response at protocol, para sa mas mabilis na pagtugon sa sakuna.

Facebook Comments