PBBM, tiniyak na mananatiling aktibo ang Pilipinas sa mga global dialogues na may kinalaman sa demokrasya, karapatang pantao at good governance

Siniguro ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) na mananatiling aktibo ang Pilipinas sa mga isinasagawang global dialogues na may kaugnayan sa usapin ng demokrasya, karapatang pantao at maayos na pamamahala.

Ito ang nilalaman ng video message ni PBBM sa plenary session ng 2nd Session for Summit for Democracy.

Ayon sa presidente, magpapatuloy ang Pilipinas sa pakikiisa sa alinmang bilateral talks sa ibang mga bansa maging sa alinmang international platforms na may kaugnayan sa nabanggit na usapin.


Ayon sa pangulo, pananatilihin ang pagiging bukas at aktibo ng Pilipinas sa usapin ng karapatang pantao na aniya’y makakatulong para mapalakas pa ang demokrasya habang gagamitin ng kanyang administrasyon ang good governance para sa pagpapalakas ng economic recovery ng Pilipinas.

Ito ay sa gitna na rin ito ng target ng gobyerno na maging middle-income society sa 2040 ang bansa.

Ang virtual summit event na dinaluhan ni Pangulong Marcos ay pinangunahan ni US President Joe Biden na nanawagan na panatilihin sana ang demokrasya sa gitna ng global challenges.

Facebook Comments