Thursday, January 15, 2026

PBBM, tiniyak na may mananagot sa pagguho ng landfill sa Cebu

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may mananagot sa pagguho ng landfill sa Balamban, Cebu City na ikinasawi ng hindi bababa sa 20 katao.

Ayon sa Pangulo, kumikilos ang pamahalaan upang matiyak ang pananagutan, kaligtasan, at isang malinaw na imbestigasyon sa insidente. Patuloy rin ang search and rescue operations sa lugar.

Kasabay nito, nagpaabot siya ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawi.

Sinimulan na rin aniya ang pagbibigay ng burial assistance at iba pang tulong sa mga apektado.

Nanawagan ang Pangulo ng pagkakaisa at panalangin para sa mga biktima at tiniyak ang tuloy-tuloy na suporta ng pamahalaan.

Bago ang kaniyang talumpati sa isang aktibidad sa Cebu, nag-alay ang Pangulo ng ilang minutong katahimikan bilang paggunita sa mga pumanaw.

Facebook Comments