PBBM, tiniyak na may sapat na pondo para tulong sa mga apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Mayon

May sapat na pondo ang gobyerno para tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya dahil sa pag- aalburoto ng Bulkang Mayon.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ambush interviews sa Taguig matapos ang dinaluhan nitong International Trade Forum.

Inihayag ng punong ehekutibo na alam niyang may perang magagamit pero sana lang ay pag-aralang mabuti kung paano ito magagastos.


Ayon pa sa pangulo, huwag lang sanang bigay ng bigay lalo’t nagbabago ang pangangailangan habang lumilipas ang mga araw sa pag- aalburuto ng bulkan.

Dapat din daw matukoy ng mabuti kung sinu-sino ang mga nangangailangan at anu-ano ang kailangang ibigay sa mga apektado ng pagputok ng bulkan.

Facebook Comments