PBBM, tiniyak na palalakasin ang kapabilidad ng PCG upang mas maidepensa ang teritoryo ng bansa

Palalakasin pa ng pamahalaan ang kapabilidad ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng ika-122 founding anniversary ng PCG.

Ayon pa sa presidente, layunin nito ang pagpapalakas pa ng kapabilidad ng PCG ay upang maidepensa ang maritime at sovereign territory ng bansa.


Sinabi pa ng pangulo na ipagpapatuloy ang pag-upgrade ng mga equipment, training at kapabalidad ng lahat ng tauhan ng PCG.

Ito ayon sa pangulo ay hindi lang sa paggiging frontline at isyu sa West Philippine Sea sa halip para sa kanilang mahalagang papel sa pagsasagawa ng search and rescue, maritime incidents at maging disaster response.

Facebook Comments