PBBM, tiniyak na pananagutin si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves

Panahon na para harapin ni dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. ang batas.

Ito ang iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos maiturnover ng Timor Leste si Teves sa gobyerno ng Pilipinas.

Ayon sa Pangulo, sisiguruhin niyang ang mga lumalabag sa batas ay hindi pwedeng hindi maparusahan, lalo’t si Teves sa ibat ibang kasong kriminal kabilang na ang pagpatay kay dating Governor Ruel Degamo.

Samantala, nagpapasalamat naman si Pangulong Marcos Timor Leste Prime Minister Rala Xanana Gusmao at President Jose Ramos Horta.

Sinabi rin ng Pangulo na una siyang sinabihan ni PM Gusmao na handa na ang Timor Leste na pabalikin dito sa Pilpinas si Teves noong siya ay nasa ASEAN Summit sa Kuala Lumpur Malaysia.

Facebook Comments