PBBM, tiniyak na patuloy na gumagawa ng paraan para sa konkretong solusyon sa problema sa sektor ng agrikultura

Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na gumagawa ang pamahalaan ng konkretong solusyon para maresolba ang problema sa sektor ng agrikultura.

Sa talumpati ng pangulo sa ginawang pamamahagi ng libreng bigas sa Malate, Maynila, sinabi nitong ilan sa mga solusyon na ginagawa ng pamahalaan ngayon ay ang inilunsad na Kadiwa ng Pangulo para pagtagpuin at direktang pag-ugnayan ang mga food producer at mga mamimili na konsyumer.

Ayon pa sa pangulo, nagpapatuloy rin ang pagsulong ng modernisasyon sa pagsasaka mula sa pagbibigay ng makabagong makinarya, imprastruktura, pangnaliksik hanggang sa pagtatanin, processing, distribution, marketing hanggang retail para madagdagan ang suplay at ng ani.


Giit ng pangulo, kailangan lamang ay maayos na pamamahala ng produksyon at bentahan nito.

Sa katunayan aniya mas malaki ang ani nitong second quarter ngayong taon kumpara sa second quarter noong nakalipas na taon.

Sa ngayon ayon sa president ay tinututukan ng pamahalaan ang hoarding, smuggling at price manipulation na ginagawa ng mga mapagsamantalang mga negosyante.

Sinabi ng pangulo, inutos niya sa lahat ng mga opisyal, awtoridad at lahat ng ahensya ng gobyerno na higpitan ng husto ang pagpapatupad ng polisiya at batas patungkol sa bigas.

Dagdag pa ng pangulo na bilang patunay na ang pamahalaan ay seryoso sa paghabol sa mga smuggler ay ang mga pimamimihgay na libreng bigas ngayon na mula sa nakumpiskang smuggled rice sa Zamboanga City kamakailan.

Facebook Comments