PBBM, tiniyak na reresolbahin ang mga isyu pang kakaharapin ng maritime industry

Gagawin ng pamahalaan ang lahat upang mabigyan ng solusyon ang mga isyu pang kakaharapin ng maritime industry.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) matapos na palawigin ng European Commission ang certification ng mga seafarer para patuloy silang makapagtrabaho.

Ayon kay PBBM, ang problemang ito ay 15 taon nang kinakaharap ng mga seafarer kaya ito agad ang kanyang tinutukan noong bago siya tumungo sa Brussels para makipagkita sa presidente ng EU na si Ursula von der Leyen.


Kaya naman ayon sa pangulo, ang panganib na mawawalan ng trabaho ang 50,000 seafarers ay napigilan.

Sinabi ng presidente na kapag nagtuloy-tuloy ang pagpapadala ng mga seafarer sa iba’t ibang bansa ay magde-develop ito ng mga world class at magagaling na seafarers para sa buong mundo.

Facebook Comments