Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na may sapat na buffer stock ng bigas ang Pilipinas sa kabila nang pananalasa ng Bagyong Egay sa mga pananim sa Northen Luzon.
Ayon kay Pangulong Marcos Jr., nakipagpulong siya sa mga opisyales ng Department of Agriculture (DA) at tinalakay ang naging epekto ng Bagyong Egay sa produksyon ng bigas at mga paraan para mapanatiling sapat ang supply ng bigas sa bansa.
Sinabi ng pangulo, sa kasalukuyan ay maayos pa ang suplay ng bigas.
Batay sa datos ng DA, mayroong inaasahang 5.47 milyong metriko tonelada na suplay ng bigas ang inaasahang sa third quarter ngayong taon .
Habang ang inaasahang demand ay aabot sa 3.79 milyong metriko tonelada, pero ang ending stock para sa third quarter ng taon ay aabot sa 1.69 miyong metriko tonelada na sapat para sa 45 araw.
Dahil dito ayon kay Pangulong Marcos Jr., napag-usapan rin nila ang posibleng importasyon pero pinag-aaralan pa itong mabuti.