PBBM, tiniyak na tuloy-tuloy ang modernisasyon ng AFP sa ilalim nang kanyang administrasyon

Photo Courtesy: AFP Radio DWDD

Siniguro ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) sa mga sundalo na magiging tuloy-tuloy ang Armed Forces of the Philippines (AFP) modernization sa ilalim ng Marcos administration.

Sa talumpati ng PBBM sa ika-87 anibersaryo ng AFP sa Kampo Aguinaldo, inihayag nitong committed ang kanyang liderato para sa modernisasyon ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas at ito ay maging isang world class armed forces.

Binanggit din ng presidente ang pangangailangang masigurong kargado ang arsenal ng hukbo para matiyak na malalabanan ang anumang banta sa bansa at matiyak na protektado ang mahigit 7 libong isla ng Pilipinas.


Idinagdag ng pangulo na hindi lang modernization ng AFP ang pagtutuunan ng pansin ng kanyang administrasyon kundi higit sa lahat ay ang pangangailangan nito.

Batid aniya na ang sakripisyo ng mga sundalo at pagharap ng mga ito sa pagtupad ng kanilang tungkulin na ayon sa pangulo ay labis niyang ipinagpapasalamat.

Facebook Comments