PBBM, tiniyak sa gobyerno ng Timor Leste na suportado nito ang anumang hakbang para maging full pledge member ng ASEAN

Susuportahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang anumang mga hakbang ng gobyerno ng Timor Leste para maging full pledge member ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.

Ginawa nang pangulo ang pahayag na ito matapos ang kanilang bilateral meeting ni Timor Leste Prime Minister Ruak sa Labuan Bajo, Indonesia.

Ayon sa pangulo, naniniwala sIyang ang membership ng Timor Leste sa ASEAN ay hindi lang magpapalakas ng ASEAN kaya masaya siyang umuusad ang proseso para mapabilang sa ASEAN ang Timor Leste .


Sinabi pa ng presidente na inaasahan nyang patuloy ang intra-ASEAN discussions, ugnayan at bilateral connections para sa pagpalakas ng relasyon.

Mahalagang bahagi ito ng pag-unland at emerging democracy ng Timor Leste na ayon sa pangulo ay common principle kasama ang Pilipinas.

Nagpasalamat naman si Prime Minister Ruak kay President Marcos sa patuloy nitong suporta para sa ASEAN membership nang kanilang bansa.

Facebook Comments