Friday, January 23, 2026

PBBM, tinututukan ang pagpigil sa paghina ng piso kontra dolyar

Hindi nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na umabot sa ₱60 ang palitan ng P1 kontra dolyar dahil sa negatibong epekto nito sa ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, sa pananaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hindi magiging maganda kung patuloy pang hihina ang piso dahil hindi ito papabor sa halaga ng national currency.

Dagdag pa ni Castro, ang posibleng pagtaas ng exchange rate sa nasabing antas ay makakaapekto sa buong Pilipinas at sa kabuuang ekonomiya at debt ng bansa.

Oras na umabot aniya ₱60 ang palitan, tiyak na bababa ang halaga ng P1 at tataas naman ang utang ng bansa dahil sa mas mataas na halaga ng palitan.

Facebook Comments