Personal na aalamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga nabiktima ng matinding pagbaha sa Visayas at Mindanao dulot ng shear line.
Ayon sa pangulo, gagawin niya ito pagkatapos ng kanyang biyahe sa China mula January 3 hanggang January 5 sa susunod na taon.
Sinabi ng Pangulo na nais niyang makita mismo ang kalagayan ng libo-libong mga apektado ng kalamidad.
Siniguro rin ng presidente na tuloy-tuloy ang pagbibigay ng tulong ng gobyerno sa mga biktima sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Matatandaang lumubog sa baha ang ilang barangay at bayan sa Visayas at Mindanao nitong Pasko dahil sa masamang panahon na dala ng shear line na nagdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.
Facebook Comments