PBBM, tiwala pa rin kay DPWH Sec. Bonoan sa kabila ng mga isyu sa flood control

Patuloy pa ring pinagkakatiwalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manuel Bonoan, sa kabila ng mga reklamo sa pagbaha at isyu sa mga flood control projects.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kumpiyansa pa rin ang pangulo sa kakayahan at pamumuno ni Bonoan sa kagawaran.

Tiniyak naman ni Castro na papangalanan ng pangulo ang mga contractor at opisyal na mapatutunayang nagpabaya at nanamantala sa pondo oras na matapos na ang imbestigasyon.

Nilinaw rin ng Palasyo na ang paglalabas ng listahan ay para magsilbing batayan ng publiko kung gaano karami ang flood control projects ng gobyerno, at alin sa mga ito ang dapat sitahin o silipin.

Sa kasalukuyan, ay kinakalap na nila ang mga sumbong sa Sumbong sa Pangulo portal kasabay ng panawagan sa publiko na tiyaking may basehan ang mga ipapasang reklamo at huwag gamitin sa kalokohan.

Facebook Comments