PBBM, tiwalang madaling makaka-adapt ang mga Pilipino sa isinusulong na e-government system

Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na madaling makakasabay ang mga Pilipino sa isinusulong ng kanyang administrasyon na e-government system.

Sa talumpati ng pangulo sa launching ng eGov Philippines Super App, sinabi nitong napapanahon nang ipatupad ang digitalization sa gobyerno dahil matagal na itong ginagawa sa ibang mga bansa at para hindi mapag-iwanan ang Pilipinas.

Dapat aniyang highly digitalized ang pribadong sektor at gobyerno para makasabay sa ibang mga bansa.


Ayon pa sa pangulo batay sa isang survey lumalabas na 95% ng mga Pilipino ay gumagamit na ng internet partikular sa pagsa-shopping pagbabayad sa bangko at iba pa ang transaksyon.

Ngunit ang 5% ay hindi pa digitalized ang transaksyon sa gobyerno kaya inilunsad ang eGov PH Super App.

Ito aniya ay makakatulong sa mga Pilipino na mapabilis ang anumang transaksyong sa gobyerno gamit ang iisang platform.

Makakatulong din aniya ito sa pagkakaroon ng workforce competitiveness at may benepisyo rin sa infrastracture at cybersecurity ng bansa.

Facebook Comments