Thursday, January 29, 2026

PBBM, tiwalang mahuhuli ang mga nagtatagong pugante kabilang na si Zaldy Co

Tiwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ginagawa ng pamahalaan para mahuli ang mga pugante o mga nagtatago sa batas.

Kabilang na rito si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na napaulat na nasa Sweden nang maghain ng petisyon sa Korte Suprema laban sa kasong inihain sa kaniya ng Ombudsman sa Sandiganbayan.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kailangan lamang mas paigtingin ang pagtugis sa mga nagtatago sa batas.

Kumpiyansa raw ang Pangulong Marcos Jr. na mahuhuli ang mga pugante at maiuuwi sa Pilipinas para harapin ang kanilang mga kaso.

Una nang sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na makikipag-ugnayan ang Pilipinas sa Sweden sa pagpapauwi sa dating kongresista na idinadawit sa maanomalyang flood control projects sa bansa.

Facebook Comments