PBBM, tiwalang mas makikilala pa sa buong mundo sa mga susunod na taon ang ating mga produkto at serbisyo

Photo Courtesy: Bongbong Marcos Facebook Page

Sa pagsisimula pa lang ng kanyang termino ay inilatag na agad ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) ang mga kailangang reporma at mekanismo para matiyak ang tagumpay ng Pilipinas sa export sector.

Kaya naman positibo si PBBM na sa mga susunod na taon ay mas makikilala pa ang mga produkto at serbisyo ng Pilipinas at higit nating makakayanang makipagsabayan sa mga demand sa international market.

Inihayag ito ni Pangulong Marcos Jr., sa kanyang pagdalo sa TANYAG event ng Center for International Trade Expositions and Mission na ginanap sa Taguig City.


Ayon sa pangulo, patuloy na pagpapatupad ng mga hakbangin ang gobyerno para makasabay ang Pilipinas sa global trade export at kasama rito ang pagpapa-igting sa export promotion activities para mabigyan ng oportunidad ang mga maliliit na negosyante sa global market.

Diin ni PBBM, nagsusumikap rin ang pamahalaan upang mapabuti ang imprastraktura ng bansa at mapalawak ang kakayahan para sa pag-unlad at paglago ng export sector.

Sa katunayan ay pinabilis na rin aniya ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagkumpleto ng Philippine Export Development Plant 2023-2028 para gabayan ang pag-export ng mga de-kalidad na produkto.

Facebook Comments