
Tumanggi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sumailalim sa hair follicle drug test kasunod ng mga akusasyon na gumagamit umano ng iligal na droga ang pangulo.
Ito’y kasunod ng hamon ni Atty. Vic Rodriguez sa isang Senatorial debate na sumailalim ang pangulo sa test dahil ang public office daw ay katumbas mg public trust.
Sa ambush interview sa Philippine International Convention Center (PICC), sinabi ng pangulo na bakit daw niya gagawin ang bagay na ito gayong wala itong kinalaman sa tiwala ng publiko at serbisyo publiko.
Kwinestyon din ng pangulo si Rodriguez kung bakit ito nagtrabaho sa kaniya kung talagang naniniwala siya prinsipyong ito.
Si Rodriguez ay nagsilbing tagapagsalita ng pangulo noong 2022 National Elections.
Naging executive secretary din siya ng administrasyon ngunit nagbitiw siya noong Setyembre 2022, dahil sa mga umano’y personal na dahilan.