PBBM, tumungo sa Misamis Occidental at pinangunahan ang pamimigay ng tulong sa mga residenteng apektado ng patuloy pag-ulan

Binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga residenteng apektado ng patuloy na pag-ulan sa Misamis Occidental ngayong araw.

Bukod sa pagbisita pinangunahan ng pangulo ang pamimigay ng tulong sa mga apektadong pamilya kung saan umabot sa kabuuang 16.4 milyong piso ang naitulong sa mga apektado sa Misamis Occidental.

Ang pangulo ay bumiyahe mula Maynila at lumapag sa Ozamis Airport kaninang umaga para sana bisitahin ang mga residenteng tinamaan ng kalamidad noong Pasko.


Una sana nitong pupuntahan ay ang Oroquieta City, Misamis Occidental pero dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan sa nasabing lugar ay kinansela ito.

Maging ang sana’y planong ocular inspection ay hindi na rin nagawa ng pangulo dahil sa sama ng panahon.

Kasama ng pangulo sa pagtungo sa Misamis Occidental ang bagong appoint na si Department of National Defense (DND) Secretary Carlito Galvez Jr.

Samantala, nagbigyan din ng financial assistance ang mahigit 11 libong benepisyaryo na umabot sa P55.81 million na nagmula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).

Facebook Comments