PBBM, tutol na puro de lata lang ang pagkain ng mga bakwit sa Cebu

Ayaw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na puro de lata ang kakainin ng mga pamilyang lumikas matapos ang malakas na lindol sa Cebu.

Giit ng pangulo, dapat masiguro na may sapat at masustansyang pagkain ang mga evacuee, lalo na ang mga bata.

Bukod aniya sa ready-to-eat family packs at relief goods, naglatag din ang pamahalaan ng mga mobile kitchen upang makapaghain ng mainit na pagkain sa mga apektadong residente.

Ang mobile kitchen na pinapatakbo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang magbibigay ng hot meals sa mga evacuee, lalo na sa mga lugar na hirap marating at sa mga pamilyang hindi pa nakababalik sa kanilang tahanan dahil sa lindol.

Facebook Comments