PBBM, tutungo na sa Indonesia ngayong araw

Aalis sa Pilipinas ngayong araw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungo sa Indonesia para sa kanyang unang state visit bilang pangulo ng Pilipinas.

Sa ibinigay na advisory ng Office of the Press Secretary, mamayang hapon aasahan ang pagdating ng pangulo sa Indonesia.

Lalapag ang sasakyang eroplano ng pangulo sa Soekarno Hatta International Airport sa Jakarta kung saan magkakaroon ng aktibidad.


Halos apat na oras ang biyahe sa eroplano mula sa Pilipinas hanggang sa Jakarta.

Pagkatapos ng aktibidad sa paliparan ay makikipagkita naman si Pangulong Marcos sa Filipino community sa indonesia na gaganapin sa Fairmont Hotel.

Una nang sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Ma. Teresita Daza na inaasahang mapag-uusapan ni Pangulng Marcos at ni Indonesian President Joko Widodo ang usapin kaugnay sa defense, maritime border, economic, at people-to-people cooperation.

Magkakaroon din ng Memorandum of Agreement ang DFA at Foreign Affairs of Indonesia
kaugnay sa cultural cooperation na pipirmahan ng National Commission for Culture and the Arts at ng Ministry of Education and Culture ng Indonesia.

Facebook Comments