Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suporta sa mga magsasaka para mapanatiling abot-kaya ang presyo ng mga bilihin.
Sa ginaganap na National Economic Development Authority (NEDA) board meeting, inatasan ng Pangulo ang Department of Agriculture (DA) at Department of Budget and Management (DBM) na palawakin pa ang 29-peso rice-for-all program.
Pinataasan din ng Pangulo sa 300, mula sa 21 ang Kadiwa ng Pangulo centers sa kalagitnaan ng 2025.
Nanawagan din ito sa mga lokal na pamahalaan na direktang bumili ng palay sa mga magsasaka, para matiyak ang patas na presyo at manatiling matatag ang suplay ng bigas para sa lahat.
Sa panig naman ng NEDA at Department of Finance (DOF) na tugunan ang tumataas na halaga ng inputs, at epekto ng klima sa presyo ng pagkain.