PBBM, umaasa pa ring matutuldukan ang korapsyon sa ilalim ng kaniyang pamumuno

Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may pag-asa pa ring sugpuin ang malalim na korapsiyon sa bansa, sa kabila ng pagkadismaya ng taumbayan sa matagal nang katiwalian sa gobyerno.

Ayon sa Pangulo, hindi siya nawawalan ng pag-asa na kayang baguhin ang bulok na kalakaran, basta’t may malinaw na aksyon at matibay na paninindigan.

Tungkulin aniya ng pamahalaan na tugunan ang araw-araw na hinaing ng mga Pilipinong apektado ng katiwalian.

Aminado ang Pangulo na malalim na ang ugat ng problema, ngunit tiniyak niyang handa siyang magsagawa ng mahihirap na desisyon para maipatupad ang tunay na reporma.

Inihalintulad niya ito sa kasabihang, “hindi ka makakagawa ng omelet kung hindi mo babasagin ang itlog,” na nagpapahiwatig ng sakripisyong kaakibat ng pagbabago.

Facebook Comments