Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang paglagda sa 123 agreement sa pagitan ng Pilipinas at Estado Unidos.
Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Pangulong Marcos na isang patunay ito ng panibagong adhikain tungo sa mas matatag na enerhiya at Green Philippines.
Batay sa kasunduan ay magde-develop ang Pilipinas at Estados Unidos ng ligtas na nuclear energy gamit ang pinaka-advanced na teknolohiya sa ilalim ng pinakamataas na pamantayan ng kaligtasan at seguridad.
Ayon sa pangulo, layunin nitong magkaroon ang bansa ng malinis, at matatag na suplay ng enerhiya sa buong bansa na magiging abot-kaya ng publiko.
Ayon pa sa pangulo na sa ilalim ng Philippine-United States Agreement for Cooperation Concerning Peaceful Uses of Nuclear Energy o ang 123 agreement.
Prayoridad na hakbang ay patatagin ang kapasidad ng bansa at aktwal na bubuksan ang pintuan sa mga kompanya ng Amerika na mamuhunan at sumali sa nuclear power projects sa Pilipinas.
Umaasa ang pangulo na gagana na ang lilikhaing nuclear energy ng Pilipinas at Amerika sa susunod na mga taon.