PBBM, umaasang hindi hahagupitin ng matinding kalamidad ang bansa sa pagpasok ng La Niña

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi hahagupitin ng matitinding kalamidad ang bansa sa pagpasok ng La Niña sa mga susunod na buwan.

Ayon sa pangulo, bagama’t handa na ang pamahalaan sa mga posibleng malalakas na bagyo ay ipinapanalangin niyang hindi ito mag-iiwan ng matinding epekto at peligro sa bansa.

Gayunpaman, naglaan na aniya ang gobyerno ng pondo, food packs at iba pang uri ng ayuda bilang paghahanda sa pagdating ng mga kalamidad.


Kahapon ay personal na iniabot ng pangulo ang mahigit ₱363 million na ayuda sa mga magsasaka at mangingisda ng Western Visayas at Negros Region na naapektuhan ng El Niño.

Habang nasa ₱100 million na ayuda naman ang ipinagkaloob ng pangulo sa mga benepisyaryo ng Bohol at Cebu.

Facebook Comments