
Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maipagpapatuloy ng susunod na Pangulo ng bansa ang mga proyektong sinimulan ng kanyang administrasyon.
Ayon kay Pangulong Marcos, mahalagang makapili ang publiko ng mga susunod na lider na may maayos na pamamalakad para hindi maputol ang mga reporma kahit matapos ang kanyang termino.
Araw-araw aniya siyang kumukonsulta sa mga tagapayo para makahanap ng mas epektibong paraan ng pagresolba sa mga problema ng bansa dahil iba na ang hamon ngayon kumpara noon.
Giit ng Pangulo, kung maayos ang pinipiling Pangulo, mas lumalakas ang tsansang tumagal at gumanda ang mga pagbabagong nasimulan.
Malaking bahagi rin aniya ng kanyang pamumuno ang mga aral mula sa kanyang ama, partikular ang paninindigan at pagtitiyaga sa mga layuning makakabuti sa bansa, kahit may kasamang sakripisyo.









