Patuloy na umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magkakaroon ng positibong resulta ang legal interrogatories ng Philippine Regional Trial Court sa kaso ni Mary Jane Veloso na isinumite na sa Jakarta para masagot nito.
Pahayag ito ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Maria Theresa Lazaro na ipinarating sa Malacañang.
Ito ay sagot sa kung ano ang progreso sa apela ng bansa para sa clemency ni Veloso.
Ayon kay Lazaro na ang isinumiteng rekititos ay bahagi ng testimonya ni Veloso sa nakabinbing kaso na inihain nito laban sa kaniyang illegal recruiters.
Dagdag pa ni Lazaro, naghayag ng pag-asa ang pangulo na ang pag-usad ng kaso ni Veloso laban sa kaniyang recruiter ay magbigay-daan para siya mapagkalooban ng clemency sa tamang panahon.
Patuloy aniyang hahanap ng paraan ang gobyerno ng Pilipinas para matulungan si Veloso at kaniyang pamilya.
Nang nakaraang Pasko, sinabi ni Lazaro na nabisita ng kaniyang pamilya si Veloso at nagkasama sila ng ilang araw sa pamamagitan ng tulong ng DFA at ng Philippine Embassy sa Jakarta.